Home Of New Beginnings: The Story of Neil Gomez
With dedication and commitment, anything is possible. Neil Gomez, our homeowner in Amaia Scapes Cabuyao persevered to make his dreams of owning a home for himself and his “nanay” come true. His story was featured in Home Buddies PH and if you haven’t read it yet, here’s the full story:
Dahil magkakapit-bahay tayo. sharing my life testimony sa pag bili ng bahay.
God is faithful indeed, he answered our prayer not to our time, but in God's perfect timing.
---------
Ecclesiastes 3:11
He has made everything beautiful in its time. He has also set eternity in the human heart; yet no one can fathom what God has done from beginning to end.
---------
Lumaki ako sa isang watak na pamilya, anim na taong gulang ako ng lumayas ako sa pudar ng tatay ko at sumama ako sa nanay ko. Nakikitira sa kamag-anak, nakikitulog sa kapitbahay at naranasan matulog sa labas ng bahay ng halos dalawang taon basta may masilungan at makatulog.
Akala ko noon, dun nalang iikot ang buhay namin, at hanggang dun nalang ang buhay namin, buhay namin ng nanay ko. Single parent ang nanay ko, at siya lang ang tumaguyod samin.
Lima kaming magkakapatid, ako ang bunso at ako lang ang nakapag tapos ng kolehiyo dahil sa tulong ng aking tita at patuloy na pagkayod ng nanay ko sa pag titinda ng kung ano-ano.
Nung nag aaral na ako ng kolehiyo, dun ko mas naintindihan ang buhay, kaylangan kong mag sumikap para sa Nanay ko, kaylangan kong makapag tapos ng pag aaral para sa magiging kinabukasan ko. Doon nadin ako nag simula mangarap at mas manalangin sa Panginoon, mas lalong pinag tibay ng napasama ako sa isang Christian Youth Ministry.
Hindi ko ginamit ang nakaraan ko para pigilan umabante sa kinahaharap ko, kundi mas ginamit ko to para mas mag sumikap pa sa buhay na kakaharapin ko.
Habang patuloy na nanalangin, patuloy din nag susumikap sa trabaho, hanggang sa makatam ang inaasam. Ito palang ang unang nabili ko para sa sarili ko, dahil ito talaga ang gusto ko, at gusto ko para sa nanay ko.
Sa gitna ng pandemya may magandang balita ang Panginoon, naturn-over ang unit ko ng April 2021.
May sariling bahay na kami ng nanay ko. Hindi ito sukli sa lahat ng kanyang nagawa, dahil wala naman makakatumbas doon. kundi isa itong regalo at pasasalamat sa pagsusumikap para maitaguyod niya kami.
Ang Panginoon, handang yan makinig sa ating panalangin, alam niya din kung kaylan at paano niya ito ibibigay sayo. Kung hindi niya ito sinasagot, hindi ibig sabihin e ayaw niya ibigay sayo, kundi may dahilan at may iba siyang purpose sa buhay mo.
---------
Sharing my life verse.
Jeremiah 29:11
For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.
---------
Keep praying.
Stand firm and
Guard your heart always.
Sa susunod na pag popost ko dito, design na ng bahay inspired by Home Buddies Community 😂
Pagpalain tayo lahat ng Panginoon! ❤